Saturday, June 23, 2012

sharing 101

weekend na nmn. saturday. sunday. lumilipas lang nmn iyan eh.

nga pla, sa kagustuhan kong maipagpatuloy ang aking naudlot na singing career sa pinas, every first and last sunday of the month eh kinakarir ko ang pagkanta sa simbahan. not bad. di nmn ako sobrang relihiyosong tao, but i just want to give back to the man Up there who always sees things good or bad. and para sa akin its my way of thanking Him na hanggang ngayon eh kumakayod pa din ako at namumuhay ng matiwasay.

on the other hand, lapit na magjuly, kalagitnaan na nang taon. ang bilis ng panahon. 9 months na din ako sa PNG. whew! imagine that. 

buhay oFw? sa kabilang forum, madami akong nakilala at naging cyber friends na nagtatanong:
1. safe ba sa Papua new guinea, kmusta ang security issue? 2. Totoo bang mataas ang cost of living diyan? 3. Internet and communication ok nmn ba?

na sinasagot ko nang:

1. Safe ka kung sinusunod mo ang rules dito. Never go out nor walk in the streets alone. always go out in groups. safety is a matter of discipline din sa sarili, na dapat iapply dito. security is always an issue, kahit san nmn magpunta eh. kung oras mo na, oras mo na. but then, precautionary measures are exercised here. like one, lahat ng accomodation my 24/7 na guards (minsan wala silang kwenta kasi tulog sa duty), second, hatid sundo mga tao sa work, except sa mga expats na may sariling transpo. ang grabe lang kasi na naeexperienced ng mga tao dito, expat man o nationals, iyong matiyempuhan ng 'rascals'. kahit nationals, walang patawad kung pagnakawan or saktan.

2. Yes, cost of living is high. sa grocery na lang isang kilo ng kamatis dito PGK 21.00 = 400 pesoses. nakakalula. kaya wag na lang magconvert. hindi kasi accessible ang market dito, delikado punthan. may market na pede punthan pero every sunday morning lang at kelangan gumising ng 530am. pero all in all, nasa pagbabudget lang tlga iyan. 

3. communication, ok nmn. internet? it sucks. hahaha! ang mahal pa ng charges. kaya nagttyga dito sa office magbrowse ng magbrowse dahil libre. iyong laptop na dala ko, gamit ko lang pang-games at pang movies.

living here is simple. iyon lang nmn ang kagandahan. walang madaming malls, fastfood choices na pede mong punthan. nightlife? wala din maxado. kape kape lang sa figaro, minsan papasok sa bar pero kakain lang ng pulutan. hahaha!

di pa nmn nakakapangsisi na andito ako ngayon. so far. echos.

Friday, June 22, 2012

TGIF

water update:  no interruption was felt, but the water is brown!!!! salamat EDA Ranu. :P

friday na, wala pa din anda. sana next week may sweldo na.

tapos nakita ko pa ang site na ito.http://www.shopbop.com/


hayys.

1 week off my chart. how many more to go?

Tuesday, June 19, 2012

no water?!?!? ansabeh?????

at ako'y nabulabog dahil dito:


is this true??? pano na ang hotbath ko sa gabi. syeps. hindi ako katulad ng mga negs na ok lang sa isang buwan maligo, pero naman please, NCDC, bayran niyo na iyong landowners!!

oh well. this is PNG. bukas kaya ano nmn ang bubulaga sa amin.

teka, makabili na din pla ng drum. kung kelan wala ng anda. hahaaha!

Monday, June 18, 2012

PNG randomness

 pag nagtrip ng maagang maaga, dito kami nagpupunta
PNG Adventure Park

at eto pa:
pajama party sa PAU

nature tripping going to march girls resort (walang panama ang beach sa pilipins)

eto ako nung sumama magwalk for a cause (prang nasa liblib na lugar):

SSWAC walk for a cause
more to come. makapgcollate nga ng buhay PNG. hahaahha!


Monday, June 11, 2012

Unang Kaarawan sa PNG

waaahhh!! three-O

happy birthday to me. hahaha! bagong number series na nmn ang aking tatahakin. pers taym na hindi magcelebrate kasama ang pamilya at mga kaibigan. *singhot*. kakatuwa naman, buti na lang double celebration kami ng aking ka-june mates. haha!
Birthday Celebrants - Godo and Rj :P

at nagkataon pa na laban ni pacquiao at bradley, full house ang bahay. tapos talo si pacquiao, nasisi pa tuloy kami. harhar! :P










masaya nmn kahit talo. nagstart ng 12pm nagtapos kmi ng 1230am ng hausmate ko. haha!

Friday, May 4, 2012

Australia Trip (day1 - 06/04/2012)

First vacay abroad trip outside PNG and Phils. :)

Got up 330AM to prepare for our 645flight going to Brisbane. Antok much but needs to shake the bon-bon dahil sunduin pa kmi ng mga kasabay nmin. picture muna sa plane pra nmn kumpleto ang adventure. Can't sleep much because its only a 3 hour plane trip to Brisbane. and iyong amoy, mejo kakaiba. so pagising gising din




BNE airport

And touchdown to BNE airport. After immigration, bili na nang simcard pra may magamit pangcall at pangFB. it was a very quite airport dahil lahat ata ng mga tao nakabakasyon na. First time on Holy week am not spending it on the church. hehehe







Surfer's Century Apartments
And here is the view from our apartment. whew! ang sarap ng pakiramdam. nakakapagrelax pla tlga and nkkwala ng toxic. It was a block away from the beach, and nagbabalak na tlga ako na lakarin iyan from the time i saw it. hahaaha! ang sarap ng hangin, sariwang sariwa at walang hangin ng nognog. hihi. we arrived 230 pm sa goldcoast, and gutom na kaming lahat, after makasettle sa hotel, naghanap na kmi ng makakainan.





Hola! Hungry jacks for breakfast and lunch!!

Then dumating na din ang Batch1 to meet us. Naglakad lakad sa kahabaan ng surfer's paradise pra sa magiging accomodation nila,. unluckily, all have no vacancy na. kaya kahit lumong lumo, naglakad lakad na lang sa beach.whew. after 6 months na wala man lang kasing-free na ganito, naging bata kami na hinagisan ng chocolate sa saya.


halata ba?

muni muni

it was a long time since last post. not feeling much of a worker right now. petiks mode muna.

Emo mode: I will try my best to be a perfect daughter and ate to my siblings they are my all. and i will spend more of my time with them when i come home. its hard to be away from your family.
ang hirap magkasakit pag ang magaalaga sayo ay nasa kabilang linya ng telepono. ang magsasabi ng ingat lagi at wag magskip ng meals. ang magreremind na always make yourself happy, reach your dreams. sa umpisa masaya ang adventure, pero pag nagiisa ka pla sa lupa ng mga banyaga, nakakaburnout din. lalo na pag trabaho lang ng trabaho.